Sapat na pondo, tiniyak sa Syrian crisis

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may sapat na pondong inilaan ang gobyerno para sa gagawing paglikas sa mahigit 5,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Syria.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, inihayag ng opisyal na makikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Budget and Management sakaling mangailangan pa sila ng karagdagang pondo.

“Mayroon po tayong sapat na pondo for repatriation, in fact, sinabi sa atin ng DBM na nakahanda silang i-replenish ang pondo kung kinakailangan.”

Nilinaw naman ng opisyal na matagal nang ipinatupad ng gobyerno ang paglikas sa mga kababayan sa Syria simula pa noong sumiklab ang tensyon sa nasabing bansa, may siyam na buwan ng nakakaraan.

Sa katunayan noong nakaraang linggo, 51 OFWs ang dumating sa Pilipinas mula sa Syria.

Kahapon, itinaas na ng DFA sa level 4 ang alert crisis sa Syria na nangangahulugang mandatory na ang paglilikas ng mga kababayan.

Umapela ngayon ang DFA sa may 5,000 OFWs sa Syria na sundin ang kautusan ng pamahalaan na mandatory repatriation kasunod ng lumalalang sitwasyon sa nasabing bansa.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, sana huwag na umanong mangyari ang sinapit noon sa Libya na may mga nagpaiwang mga Pinoy.

Pinayuhan din ni Hernandez ang mga Pinoy na magtungo sa embahada sa Syria para mas mabilis ang pagproseso ng kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply