Sastre nahirapan sa damit ng mambabatas dahil sa sobrang laki

HIRAP NA HIRAP ang sastre sa paggawa ng damit ng isang mambabatas dahil sa sobrang size nito sa orihinal na sukat ng katawan ng isang tao.

Biruin mo hindi agad naibigay sa naturang mambabatas ang damit na susuutin niya sa isang espeyal na kaganapan sa Senado.

At hindi lamang iyon, dumaan din sa pag-repair ang naturang damit dahil sa bandang huli ay hindi na maisara dahil sa sobrang laki ng mambabatas.

Kung baga sa sukat ng sapatos ay kailangan american size para maging mas malaki at

sukat na sukat sa taong susuot nito.

Halos nahirapan ding maisuot ng mambabatas ang kanyang damit dahil sa bukod sa hindi sakto o kasya sa kanya ay mag-isa lamang niya itong isinuot.

Nagreklamo pa nga ang mambabatas sa kanyang suot na damit dahil akala niya ay graduation ang kanyang pupuntahan at naka-toga siya.

Ang mambabatas na ating tinutukoy ay sobrang bigat sa kasalukuyang adminitrasyon na tulad ng bigat ng kanyang posisyon sa Senado subalit bigong makuha ang Senate leadership post.

At higit sa lahat, lalaki siya at may letrang K sa kabuuan ng kanyang pangalan, as in kulang sa sukat ng tela.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply