SC magluluksa bilang suporta kay Corona

MABABALOT ng kulay itim mamayang hapon ang buong kapaligiran ng Korte Suprema dahil sa pagbibigay suporta ng mga empleyado at hukom kay Supreme Court Justice Renato Corona.

Ayon kay Judge Tony Eugenio ng Philippine Judges Association (PJA), hinihimok nila ang lahat ng hukom at empleyado ng Korte Suprema sa Metro Manila na magsuot ng kulay itim.

Ang “black protest” ay bilang pagbibigay suporta kay Corona na nahaharap ngayon sa impeachment complaint.

Idineklara rin ni Judge Eugenio ngayon ang “court holiday” at suspendido ang lahat ng pagdinig sa lahat ng korte.

Nakasaad din sa mensahe ni Judge Eugenio na nakatakdang magbigay ng pahayag si Corona mamayang hapon kaugnay sa kinakaharap na impeachment complaint. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply