Scavenger natagpuang patay sa tabi ng resto bar

HINDI na umabot pa sa araw ng pasko ang isang ginang matapos na bawian ito ng buhay sa tabi ng resto bar sa Paco, Maynila kaninang madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Rosita Flores, 50, scavenger, tubong Leyte at walang permanenteng tirahan.

Sa report ni SPO2 Milbert Balinggan, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section na dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang madiskubreng wala nang buhay ang biktima ng kanyang kinakasama na si Roel Sotto.

Ayon kay Sotto, nagsilbing tirahan na nila ang tabing bangketa ng Silyawan Grill at resto bar na matatagpuan sa 1441 Paz st., panulukan ng San Antonio st., Paco, Maynila.

Huling nakitang buhay si Flores dakong alas 5:00 kahapon (Disyembre 22).

Sinabi ni Sotto na posible umanong hindi na nakayanan pa ng biktima ang halu-halong sakit na iniinda nito kaya bumigay na ang kanyang katawan.

Hindi naman umano nito madala sa ospital ang kinakasama dahil sa kawalan ng sapat na pera. Jocelyn Tabagcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply