School supplies ibigay sa CDO, Iligan Cities

NAKIUSAP ang Department of Education (DepEd) na magbigay din ng school supplies sa ilang bahagi ng Mindanao na lubhang sinalanta ng matinding kalamidad.

Ayon kay DepEd undersecretary Rizalino Rivera, nananawagan sila sa mga taong may ginintuang puso na mag-donate ng school supplies para sa mga estudyante ng Region 9, 10, 11, ARMM at CARAGA kung saan 39 paaralan ang nasira at abot sa 105 milyon ang nasirang pasilidad at gamit pampaaralan.

Nabatid na pansamantalang hindi muna magbubukas ng klase sa nasabing mga rehiyon sa Enero 3, 2012 dahil sa halos nawasak ang mga silid-aralan habang ang iba naman ay ginagamit na evacuation centers.

Nauna rito ay inihayag ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, na ginagawa na nila ang lahat ng pamamaraan para matuloy ang balik eskuwela sa nasabing mga lugar sa pagsisimula nito sa Enero 3, subalit nakiusap ang ilang lokal na pamahalaan na ilipat sa buwan ng Pebrero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply