Search operations sa Mindanao itinigil na

ITINIGIL na ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang paghahanap at pagbibilang sa mga nawawalang tao sa nangyaring trahedya sa Iligan at Cagayan de Oro City sa Mindanao.

Ayon kay NDRRMC Exec. Director Benito Ramos, mas gumugulo kung isasama pa nila ang pagbibilang sa mga nawawalang tao.

“Sa mga missing, hininto namin ang pagbilang dahil hindi accurate po ang mga iyon.

Other reason ay yung mga narekober na mga bangkay ay hindi natin ma-identify kaya hindi natin maibawas sa mga missing, kaya even the local officers cannot exactly give us exactly how many are missing so ang importante makarekober tayo ng mga bangkay as many as we can,” ani Ramos.

Sinabi rin ni Ramos na base sa kanilang pinakahuling bilang pumalo na sa 1,236 ang mga namatay sa nasabing trahedya.

Kaugnay nito desidido ang gobyernong Aquino na papanagutin kung mayroon mang mapapatunayan na nagkasala o nagpalala sa delubyong inabot ng Cagayan de Oro City at Iligan City bunsod ng bagyong Sendong na isinisisi sa illegal logging at mining.

Ipinatawag na ni ARMM OIC Gov. Mujiv Hataman ang mga magtotroso, magmimina at iba pang negosyante sa Mindanao na posibleng dahilan nang pagkasira ng lupa roon.

Ayon kay Hataman, kailangan ang masusing imbestigasyon sa nasabing kaso para may mapanagot sa nangyaring trahedya sa Cagayan de Oro at Iligan City dahil sa bagyong Sendong kabilang na ang mga opisyal ng gobyerno gaya ng DENR.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply