Sec. Acosta, inilaglag ng Malakanyang

TULUYANG inilaglag ng Malakanyang si Presidential Adviser on Environmental Concerns Neric Acosta na ipinasususpinde ng Sandiganbayan dahil sa kasong graft.

Ang katwiran ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay may ibang opisyal na maaaring umako sa trabaho ni Acosta kaugnay sa pangangalaga sa kalikasan.

“we have other officials who will take care of the environment. That’s something… Again, that’s a legal issue that the defense adheres, so…,” anito.

Nauna nang sinabi ni Acosta na kung suspendihin siya, para na ring sinuspinde ang Pangulong Noynoy Aquino na nagtalaga sa kanya sa puwesto.

Kumbinsido rin ang opisyal na maaapektuhan ang pamamalakad sa gobyerno kung masuspinde siya sa kanyang posisyon.

Subalit para sa Malakanyang, wala silang balak na tulungan o gamitan ng anumang resources ng pamahalaan si Acosta sa pagharap sa kanyang kasong kriminal.

Binigyang diin ni Sec. Lacierda na bahala na si Acosta at mga pribadong abogado nito na harapin ang kaso na naisampa bago pa man maitalaga sa puwesto.

“Hindi ko alam kasi ‘yung kaso niya eh. His case arose from graft prior—as a congressman. So I really don’t know the defense that he raised. It would be too premature for me or too hasty for me to make a judgment based on a particular defense that he raised eh. It’s the… We will have to know the overall case. So it’s maybe part of the defense theory of Mr. Acosta. I really… I’m not familiar with the case,” ayon kay Sec. Lacierda.

Nang matanong kung nagalit ang Pangulo sa pag-i-invoke sa kanya ni Acosta sa kanyang petisyon sa korte, inihayag ni Lacierda na hindi pa nito nakausap ang presidente at kung nabasa na nito ang lumabas na balita.

“But I’m sure that the President… If he read the news he would also…ngayon lang niya nabasa ‘yung balitang ‘yan because this is something that we were…that I saw only today. So that’s something that I am not—I will have to ask the President kung ano posisyon niya diyan. But, again, that was a… If it’s a legal… Legal defense ‘yan, eh. Most likely ginamit ‘yan ng abugado ni Mr. Acosta,” aniya pa rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply