Second collection sa ‘simbang gabi’ pantulong sa typhoon victims

MAGSASAGAWA ng second collection sa mga banal na misa, partikular sa “simbang gabi” ang Archdiocese of Manila, alinsunod sa direktiba ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle, para ipantulong sa mga biktima ni bagyong Sendong.

Nanawagan rin si Tagle sa mga mamamayan na tumulong sa mga nabiktima ng bagyo at tiniyak na anumang tulong na ibibigay sa simbahan ay buung-buong marakarating sa mga biktima.

Sinimulan na ang second collection ngayong araw (Lunes, Disyembre 19) at magtatagal ito hanggang sa araw ng Pasko.

Ang mga nais na mag-donate ng salapi ay maaaring magpadala sa treasury ng Archdiocese of Manila at ang mga in-kind naman ay pwedeng ipadala sa Caritas Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply