Seguridad sa Maguindanao hinigpitan pa

NAGPAKALAT pa ng karagdagang police at militar kaninang umaga sa mga strategic spots sa Shariff Aguak town para mapakalma ang namumuong tensyon kasunod ng pagpatay sa tauhan ng naliligalig na angkan ng  Ampatuan.

Sinabi ni Chief Supt. Bienvenido Latag, director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) police, na inatasan na niya ang  provincial police office para imbestigahan ang pagpatay kay Farida Ampatuan kamakailan lamang.

Si Faida ay malapit na tauhan ni Shariff Aguak mayor Zahara Upam-Ampatuan, manugang o daughter-in-law ng nakakulong na dating Maguindanao governor Datu Andal Ampatuan.

Ayon sa pulisya, bumaba ang biktima sa isang pampasaherong van nang lapitan ng isa sa dalawang naka-motorsiklo na hindi nakikilalang lalaki at hinila ito sa buhok bago binaril ng kalibre 45 sa ulo.

Hindi na umabot nang buhay sa Maguindanao provincial hospital ang biktima.

Sinabi ni Major Gen. Rey Ardo, commander ng Army’s 6th Infantry Division, na inatasan na niya ang military units sa Shariff Aguak at sa iba pang bayan para maghigpit ng seguridad para walang maganap na vendetta killings.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply