Seguridad sa Mendiola hinigpitan vs raliyista

LALO pang hinigpitan ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa paligid ng Mendiola bridge malapit sa Malakanyang matapos sumiklab ang kagulohan mula sa mga raliyista nitong nakalipas na dalawang araw.

Nabatid na maliban sa mga miyembro ng MPD ay inaasahan pang madaragdagan ito ng 500  miyembro ng Philippine National Police  ngayong araw upang harangin  ang mga raliyista na makalapit sa Malakanyang.

Inokupahan na ng mga tauhan ng MPD ang paanan ng Chino Roces (Mendiola) Bridge upang matiyak na hindi na makakalapit pa ang mga estudyanteng aktibista at ilang militanteng grupo.

Nito lamang nakalipas na dalawang araw ay sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga awtoridad at raliyista kung saan lima ang naaresto na kinabibilangan ng apat na estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) na pawang mga miyembro ng League of Filipino Students (LFS).

Ang mga naaresto ay nakatakdang sampahan ng illegal assembly, resiting arrest, malicious mischief at physical injury matapos na isailalim sa inquest proceedings. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply