Seguridad sa Simbang Gabi nakakasa na

KASADO na ang seguridad ng Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na Pasko at Simbang Gabi sa susunod na Linggo.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Alan Purisima na inatasan na niya ang mga hepe ng limang police district sa Metro Manila na tutukan ang mga lugar na madalas puntahan tuwing panahon ng Pasko lalo na ang mga simbahan.

Bukod sa mga simbahan, dinoble na rin aniya nila ang seguridad sa mga bus station at pantalan, maging sa mga istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero at nalalapit ng Christmas break ng mga estudyante.

Dagdag pa ni Purisima, pinaigting na rin ng NCRPO ang police  visibility sa lahat ng strategic area sa Metro Manila para masugpo ang street crime na madalas nagaganap tuwing panahon na may okasyon tulad ngayong Kapaskuhan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply