Sekyu nagbaril sa ulo

NAGPAKAMATAY umano sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo ang isang security guard dahil sa hindi nakayanang suliranin sa dalawang babaing karelasyon habang naka-duty sa isang pension house sa M. Adriatico Street sa Malate, Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon na hindi na nakayanan ng biktimang si Julian Bangit ang stress na dulot ng kanyang dalawang kinakasamang babae kaya’t nagbaril ito sa sarili.

Base sa pahayag sa isa niyang karelasyon na si “Jenny,” naabutan niya ang guwardiya na kasama ang isa pa nitong karelasyon dahilan upang mag-amok ang pangalawang babae.

Kasunod nito ay binuksan umano ni Bangit ang kanyang uniporme at nagpa-ikot-ikot hanggang sa bigla na lang siyang magbaril sa sarili.

Tumakbo na umanong patakas ang ikalawang babae kaya si “Jenny” ang naiwan para magtawag ng pulis.

Iniimbestigahan ngayon ang anggulong may foul play, lalo’t sa sentro ng noo ang tama ni Bangit, bagay na mahirap umanong gawin kung magbabaril sa sarili.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply