Sekyu nagpakamatay sa Malate

HINIHINALANG nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang kanang sentido ang isang 29-anyos na security guard sa Ambassador Hotel sa Malate, alas 10:00 kagabi, Disyembre 7.

Kinilala ang security guard na si Carlo Torres Herrera, na umano’y unang gabi palang sa pagdu-duty sa naturang hotel.

Nabatid na wala namang nakaaway ang biktima upang pumaslang dito at tinitingnan ng pulisya ang anggulong pagpapakamatay lalo’t nabasa sa ilang mensahe niya sa kanyang ate ang kabiguan umano ng biktima sa pag-ibig.

Ilang mensahe din ang nagpapahiwatig na magpapakamatay na lang umano si Herrera.

Kuwento ng mga kasama niya sa barracks, natutulog na sila nang marinig ang isang putok ng baril at doon na nga raw nila nakitang nakahandusay na si Herrera.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply