Sen. Santiago hurado na sa International Crime Court

NAPABILANG si Senador Miriam Defensor Santiago sa listahan ng mga hurado ng International Criminal Court makaraang manalo sa botohan nitong Martes, Disyembre 13.

Ayon kay Tom Tolibas, media officer ni Sen. Santiago, sa 79 na boto, nagwagi ang senador kung saan kanyang tinatlo si Anthony Carmon ng Trinidad and Tobago na nakakuha ng 72 na boto lamang, ayon sa Twitter account ng American Non-Governmental Organizations Coalition for the International Criminal Court.

“Mas big deal siya kasi hindi siya umabot sa second round kasi she got enough votes na,” ani Tolibas.

Ang ICC ay isang independent body na naglilitis ng crimes against humanity at war cimes.

Nitong Oktubre, inihayag ni Santiago ang kanyang pagnanais na magretiro mula sa Senado upang lumipat sa Europa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply