Senado agad ire-refer sa Committee on Justice ang impeachment vs Corona

AGAD ire-refer ng Senado sa Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Justice Renato Corona sa sandaling matanggap ang nasabing reklamo.

Sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na pag-aaralan ng naturang komite ang reklamo at gagawa sila ng report sa plenaryo saka ihahanda ang trial.

Ayon kay Enrile, posibleng sa susunod na taon na masimulan ito dahil hanggang bukas na lang ang sesyon ng Senado.

Iginiit naman ni Enrile na hindi masasabing minadali ang impeachment complaint dahil dumaan naman ito sa proseso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply