Senado magiging patas kay CJ Corona – Enrile

TINIYAK ni Senate President Juan Ponce Enrile na magiging parehas ang Senado sa pagdinig ng impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona na inaasahang masisimulan sa Enero matapos isumite ng Kamara ang walong articles of impeachment o reklamo sa mataas na kapulungan nitong Martes.

Ayon sa senador, hindi na rin magsasalita ang mga senador hinggil sa impeachment case at nagtalaga sila ng isang tagapagsalita para sumagot sa mga katanungan ng media.

Mariin ding itinanggi ni Enrile na balak ng Malakanyang na kontrolin ang hudikatura dahil sa pagsalang kay Corona sa impeachment case.

Nagkataon na Christmas break ang Kongreso at babalik sa Enero 16., kung saan inaasahang lalarga na ang reklamo kay Corona.

Bukod kay Enrile, tatayo rin bilang huwes sina Senate President Pro Tempore  Jinggoy Estrada, Senate Majority Leader  Vicente Sotto III, Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at sina Senators  Loren legarda, Pia Cayetano,  Edgardo Angara, Joker Arroyo, Ramon Bong Revilla Jr., Franklin Drilon, Francis Escudero Teofisto Guingona 111,  Gregorio Honasan,  Panfilo Lacson, Manuel Lapid, Serge Osmena III, Francis Pangilinan, Ralph Recto,  Aquilino Pimentel III,  Antonio Trillanes 1V, at Manuel Villar Jr.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply