Senado wala raw karapatan isulong ang impeachment vs Corona

HINDI verified ang impeachment complaint kaya walang karapatan ang Senado na isulong ag paglilitis laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang pananaw ng mga prominenteng grupo ng mga abogado, hukom at kawani ng mga korte sa kanilang pagsuporta sa chief justice.

Sa magkakahiwalay na statement, tinuligsa ng mga ito ang minadaling impeachment complaint laban kay Corona.

Kaugnay nito, hinihiling din ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), Philippine Constitution Association (Philconsa), Supreme Court Assembly of Lawyers-Employees, Inc. (Scale), Philippine Association of Court Employees, the Judiciary Employees Association (Judea) at ng Las Piñas City Judges Association (LPCJA) na panatiliin ang rule of law.

Sinabi naman ni   Atty. Roan I. Libarios, national president  ng IBP, sinaklaw na rin ng Kamara ang kapangyarihan ng Korte Suprema na mag-interpret ng batas  at mas mataas pa sa Korte Suprema.

“If the exercise of judicial review by the Supreme Court to pass upon the acts of other departments of government and to interpret the applicable laws could warrant congressional impeachment – despite the absence of any allegations of financial or illegal consideration – then the great constitutional doctrines of separation of powers and judicial supremacy on matters of interpretation of the law would completely crumble and fall apart,” sabi ng IBP.

Ayon pa sa IBP, hindi lamang anila si Corona ang inilagay sa balag ng paglilitis dahil sa naturang impeachment kundi ang buong institusyon ng Supreme Court.

Hindi rin umano si CJ Corona ang ponente sa desisyon ng SC na ginamit na batayan sa impeachment complaint.

Iginiit naman ng Philconsa na ang impeachment kay Chief Justice Corona ay paglabag sa due process of law at pagkakait ng patas na proteksiyon.

Sa kanilang panig, pinagtibay ng mga kawani ng korte na patuloy ang kanilang tiwala   sa integridad at independence ng sangay ng hudikatura at sa liderato ni Chief Justice Corona.

“Chief Justice Corona has been a true defender of the rights of the court to independence and autonomy…(we) cannot let political groups continue to bash [our] institution without expressing our utmost concern over such a relentless onslaught to [our] judicial system”, ayon sa mga abogado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply