Senador referee sa away ng staff at mediaman

ALAM ba ninyo na tumayong referee ang isang senador sa away sa pagitan ng kanyang staff at isang miyembro ng media?

Ang malungkot ay walang naging saysay ang pagre-referee ng senador dahil nagmatigas ang kanyang staff na hindi makikipag-ayos sa kasamahan natin sa media.

Ang malungkot na nabatid ni matang kuwago, ang kanilang pag-aaway ay dahil lang sa nagkabanggaan sa comfort room.

Kung ako sa staff ni senador referee huwag nang ituloy baka pagtawanan lang ito sa korte dahil maliit na bagay lang naman ito.

Halos nagpa-VIP pa ang staff ng senador dahil sa mismong tanggapan pa nila naganap ang pag-uusap.

At hindi lang iyon, nagpapakumbaba na nga ang ating kasamahan sa industriya ay patuloy pa rin ang pagmamatigas ni staff.

Ang tanong sa staff ano ba ang nawala sa kanya at kailangan pang ituloy ang reklamo.

Ang senador referee na tinutukoy natin ay may letrang E sa kanyang pangalan as in Entertainment at kung artista siya o hindi bahala na kayong humusga at mag-isip.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply