Senate lounge ginagawang fashion show ng solon staff

MUKHANG naliligaw ang mga grupo ng staff ng isang mambabatas dahil halos araw-araw na ginagawang fashion show ang Senate lounge.

Napag-alaman ni matang kuwago na bukod sa pag-fashion show, grabe rin kung makipaglandian este biruan ang babaeng staff na ito ng mambabatas sa ibang staff ng senador na mga kalalakihan.

Akala nga ng espiya ni matang kuwago ay nasa loob siya ng isang bar at nagpapapansin ang isang babae para lang ma-table ng mga customer. Kadiri kayo!

Nakasisira tuloy kayo ng dignidad ng tanggapan ng inyong boss at ng Senado pero isa lang ang tiyak ni matang kuwago, hindi alam o batid ng kanilang among senador ang ginagawa ng mga staff na ito.

Kilalang may pagka-conservative ang naturang mambabatas, patunay nito ang kanyang pamilya.

Hindi lang sa Senate lounge nakikipaglandian este biruan ang mga empleyadong ito kundi dumarayo pa sa ibang departamento sa Senado.

Ang empleyadong ito ay laging grupo kung umalis kaya huwag kang magtaka kung pupunta
ka sa opisina ng senador na iilan lang ang staff.

In fairness, malakas ang loob ng mga empleyadong ito dahil sa magaganda at puro bata bagamat may sumingit na may edad na, pasintabi po!

Bahala na kayong humusga kung artista o hindi ang naturang mambabatas pero matulungin ito huwag lang daraan sa kanyang staff dahil tiyak na mabuburo at mabubulok lamang ang iyong request at aabutin ng taon este ilang buwan bago ito matugunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply