Senator Bong Revilla nalulungkot sa mga biktima ng Sendong!

DINAGSA talaga ng mga imbitadong press ang press preview ng Ang Panday 2 kamakailan sa Cinema 3 at Megamall. Alam yata ng press na magpapasabog ng maraming biyaya ang bida ng pelikula.

Kitang-kita ang kasiyahan ni Sen. Bong Revilla sa cast party ng Ang Panday 2 last Monday matapos ang special screening ng movie na ginanap sa SM Megamall.

Paano nga kasi, puring-puri ng lahat ang pelikula lalo na nga ang special effects na halatang pinagkagastusan at binusisi para sa ikasisiya, hindi lang ng mga bata, kundi pati na rin ng matatanda.

Noon pa ipinagmamalaki ni Bong na gawang-Pinoy ang CGI (computer-generated imagery) ng Ang Panday 2 at dito raw talaga makikita kung gaano na tayo kagaling sa aspetong ito.

Tanging ang sound lang ang dinala nila sa ibang bansa (Bangkok) para lapatan ng 7.1 Dolby.

Sa nasabing cast party, nakita rin namin si Jolo Revilla na mukhang okay naman.

May severe migraine ang young actor at ito ang dahilan kung bakit lagi siyang nao-ospital lately.

In fact, sa January ay dadalhin siya sa U.S. ng mga magulang para magpatingin at humingi ng second opinion.

Siyempre, naroroon din ang napakaganda pa ring maybahay ni Sen. Bong na si Congress -woman Lani Mercado. Silang dalawa ni Andeng Bautista (kapatid ni Bong) ang nag-asikaso ng pa-raffle for the press.

Samantala, kahit abala sa promo ng filmfest movie, hindi pa rin nakaliligtaan ni Sen. Bong ang pagiging public servant.

Noong Dec. 19, lumabas sa Facebook ang panawagan niya sa Senado at maging sa film industry tungkol sa kalunus-lunos na nangyari sa ating mga kababayan sa Mindanao dulot ng bagyong si Sendong.

“In the wake of the onslaught of tropical storm ‘Sendong,’ I appeal to my colleagues in the Senate to reach out to our distressed countrymen in Northern Mindanao.

“Let us show that we care for our fellowmen especially during this season of giving.

I also urge the film industry to help. Together, let us make the victims of Sendong feel the spirit of Christmas.

“Pupunta ako ng Cagayan de Oro para magbigay ng tulong. Bilang chairman ng Senate Committee on Public Works, magsasagawa rin tayo ng site inspections sa mga napinsalang imprastraktura sa lalawigan.

“Nananawagan din ako sa ating mga kapatid at kasamahan sa industriya ng pelikulang Pilipino na magbigay ng tulong.

“Kung anuman ang maitutulong ng bawat isa sa atin, maliit man ay malaking kontribusyon din kapag pinagsama-sama.

“Ang mahalaga ay tumulong tayo. Ngayon higit na dapat ipakita natin na ang mga miyembro ng industriya ng pelikulang Pilipino ay nagmamalasakit sa kanilang kababayan.

“Ito ang panahon para suklian ang pagtangkilik ng ating mga kababayan sa ating mga pelikula,” sey pa ni Sen. Bong sa kanyang appeal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply