Sendong victims balik-eskwela na rin sa Jan. 3

BAGAMAT hindi pa tuluyang nakakabangon mula sa delubyong naranasan ng mga residente ng Cagayan de Oro at Iligan City ay tuloy pa rin buhay at kasamang magbabalik eskuwela sa Enero 3 ang mga kabataang nasalanta ng bagyong Sendong.

Ang pagbabalik eskuwela ng mga kabataan ayon kay Education Secretary Armin Luistro ay malaking bagay aniya upang matulungan ang mga ito na makalimutan ang kanilang naranasang sakuna sa pagsalanta ng naturang bagyo sa kanilang lugar.

Nabatid na inatasan na rin ni Luistro ang kanilang inhinyero na agad na kumpunihin ang mga paaralan na naapektuhan at sinira ni Sendong.

Inatasan din ng kalihim ang engineers na magtayo muna ng pansamantalang classrooms ng mga bata habang abala sila sa paglilinis at pagsasaayos ng mga nasirang paaralan upang may magamit ang mga estudyante sa kanilang pagbabalik eskuwela sa Enero 3.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply