Setyembre 3 idineklarang holiday

APRUBADO na sa Kamara ang House Bill 5068 para ideklarang piyesta opisyal ang Setyembre 3 ng bawat taon bilang National Victory and Liberation Day na isang makabuluhang kasaysayan sa Pilipinas.

“Marami tayong ipinagdiriwang, ang Fall of Bataan, Death of Rizal, Fall of Manila at marami pang selebrasyon ng pagkatalo, sa pag-asang magbibigay ng inspirasyon, pero meron tayong higit na ipagdiwang at alalahanin, ang ating tagumpay,” ani Sorsogon Rep. Salvador Escudero III, chairman ng House committee on basic education and culture.

Sinabi ni Baguio City Rep. Bernardo Vergara, isa sa mga may-akda, na noong Setyembre 3, 1945 sumuko sina General Tomoyuki Yamashita at Vice Admiral Denhici Okochi, dalawang mataas na opisyal ng army at navy ng Hapon sa Pilipinas kay Maj. Edmond Leavey sa isang seremonya na ginawa sa United States High Commissioners’ Residence sa Camp John Hay sa Baguio.

“It is long overdue, pero ganun pa man, better late than never. Nagpapasalamat ako sa liderato ng Kamara sa pag-apruba dito na magbibigay ng liwanag sa ating lahat.”

Nauna dito, nagpadala ng liham ang National Historical Commission of the Philippines na kumikilala sa kahalagahan ng Setyembre 3 sa kasaysayan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply