Shalani Soledad mas may dating kay Camille Villar

IN ALL fairness, kahit na may nagsasabi na mas energetic at jolly mag-host si Camille Villar sa Wil Time Bigtime compared to Konsehala Shalani Soledad, for us, at para sa nakararami, mas may dating pa rin itong huli sa nasabing daughter ni Senator Manny Villar. Naku, if I know, super nagsisipsip lang itong si Kuyang Willie Revillame kay Senator para hindi ito bumitiw sa pagbibigay ng sponsor ng maraming bilang ng house and lot sa kanyang programa kaya todo puri sa anak nito.

Eh, before noong time na nagsisimula pa lang si Willie sa TV5, sino ba ang ginamit niya? Hindi ba’t si Shalani na naging woman of the hour noong time nang break-up nila ni PNoy? Kaya nga nag-rate nang husto ang Willing-Willie dahil sa bride-to-be ni Pasig Congressman Roman Romulo. At ngayong pakakasal na ito kay Cong. Roman, tama bang isabong nila ito sa baguhang si Camille?

Well, may ganda rin naman ang babaeng ito pero in terms of popularity, wala siyang sinabi talaga kay Konsehal Shalani. Tingnan na lang natin kapag tuluyan nang nawala ang nasabing TV host-politician kung may manood pa sa show mo Kuyang Willie.

Condolence na lang gyud!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply