Si de Lima, bitay at ang bonus at differential pay

BINITAY ang isa nating kababayan sa Tsina kahapon.

Makaraan siyang magkaroon ng komunyon at bendisyon ng isang pari at mayakap siya ng kanyang mga kamag-anak, ibiniyahe na siya sa bitayan.

Sa mga oras ding ito binasa ang pinal na sentensya sa kanya.

DRUGLORD SA PINAS BITAYIN NA

Hindi ba may mga drug lord sa Pinas at marami na ang nahuli sa mga ito?

Dapat bitayin na rin ang mga ito para hindi sila mandamay ng mga inosenteng tao gaya ng mga nabibitay sa Tsina.

Pang-apat na, mga Bro, na Filipino ang binitay kahapon sa taong ito.

Marami pa ang nakakulong sa Tsina na naghihintay rin ng sentensiya at tinatayang may bibitayin uli sa mga susunod na araw, buwan at taon.

‘Yung mga nakakulong sa mga piitan natin ay patuloy umanong tumitira bilang mga druglord.

Anak ng mga demonyong druglord na ito, dapat ibalik ang parusang bitay para bitayin
na rin ang mga ito.

Milyon-milyon ang mga durugista sa mahal kong Pinas at gumagawa ang mga ito ng mga krimen.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

TRO NI DE LIMA

Kapag ang ginawa ni De Lima sa Temporary Restraining Order ng Supreme Court ay nagkaroon ng kaparusahan, magiging napakasamang ‘Precedent’ ito sa ating pagpapairal ng batas.  I hope this will not happen. +63947498….

HOKUS-POKUS SA ABULOY

Grabe ang mga pari ngayon.

‘Di mo malaman kung saan napupunta ang mga abuloy na pambayad sa kuryente at tubig at pampagawa ng simbahan. I-rerequest pa sa mga mayor at congressman.
Saan napupunta yung abuloy na para sa simbahan? +63923473….

PNOY, DE LIMA ATAT KAY GLORIA, BAKIT?

Good pm. PNoy at De Lima, bakit atat na ipakulong si GMA?

Ang dapat nilang unahin muna e ang Maguindanao masaker. Bakit  puro si  gma ang iniisip nila?  Parang isang mukha at pamilya lang ang nasa isipan nina De Lima at PNoy, mga Arroyo lamang. Sana pansinin naman ang  nakararami. Bakit takot ba sila kay gma?  Wag nyo na pong ilabas ang number ko. Naguguluhan lang ako sa palakad ng gobyerno ngayon. +63919724….

PANLOLOKO SA TEXT

Reklamo ko lang po. Kung puwede sana, pagbawalan ang mga preso na gumamit ng cellphone. Kasi may nag-te-text dito na preso mula sa Palawan.  Nakikipaglokohan at pa-nay hingi sila ng load. Sana po maaksyunan kasi  bawal naman po talaga ang cellphone sa isang inmate. Thanks. +63909991…

REKLAMO SA BONUS

Kasalanan ba namin kung empleyado kami ng gobyerno? Nagsisikap kami para makapagtrabaho rito, kaya kayo, magsumikap din kayo.  Hindi yung puro kayo reklamo! +63920473….

HINDI NA SINA PNOY ANG MAGTALAGA

Sir Benny, gud am. Dapat hindi na mag-appoint ang Presidente ng mga chief justice at hukom. Dapat mga judge at piskal na lang ng buong bansa ang pipili ng magiging Supreme Court chief at justices. Thanks po. Danilo Chua. +63919876….

TERMINAL SA KALSADA OK KAY MAYOR

Sir Benny, good am po. Pakikalampag naman po ang mayor ng Morong, Rizal. Bakit po niya pinayagan na  magkaroon ng terminal sa Sagbat, e, kalsada po yon. Kaya naman po marami ang naaabala dahil sa trapik. +63929673….

DIFFERENTIAL PAY NG MGA SUNDALO

Good am po. Tungkol po ito sa differential pay naming mga retiradong sundalo na ginagawang Bumbay o hulugan at may anim na buwan pang natitira.  May pondo naman para riyan at saan napunta? Sana po kung ibigay ito ay before Chirstmas para masaya naman ang aming pamilya. Salamat po! +63921785….

MISTERYO UKOL KAY GMA

Una po sa lahat, nais ko po sanang bumati ng magandang araw sa inyo.

Ang nais ko po sanang pag-usapan ay patungkol kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

Bakit po ganun?

Kapag tuwing masasangkot siya sa gulo o reklamo, doon naman po nasasakto na meron daw siyang sakit?

Nakapagtataka po dahil lagi po siyang ganun.

Bakit kasi hindi na lang niya tanggapin ang mga reklamo o kaso laban sa kanya.

Tutal karma na rin ang mga nangyayari ngayon sa kanya dahil sa ginawa niyang pangungurakot sa bansa noon.

Ika nga, eh,weather-weather lang yan, GMA! +63948873…

MAG-AMONG SINUNGALING

Good am, sir.
Dapat pa bang paniwalaan si Atty. Lambino na puro walang katotohanan ang sinasabi. Katulad siya ng mga Arroyo na sanay na sa pag-sasabi ng hindi rin totoo.
Buko na lahat ang mga pag-arte nila.

MEDIA GINUGULO LANG NINA ARROYO

Ginugulo lang ng pamilya Arroyo ang media, Aquino admin at mamamayan. Takot sina Gloria at Mikey na  makulong. Marami pang dapat na pag-usapan ng pamahalaan kaysa sa problema nina Arroyo. Wag dun lahat  itutok ang isyu. May problema sa kahirapan at krimen. +63999450….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply