Sikat na young actor papa ng very influential government official

KAALIW talaga ang chikang nasagap namin nang magtungo kami sa isang event. Yes, pinag-uusapan talaga roon ang diumano’y pakikipag-affair ng gwaping na young actor na may ka-on na actress sa isang very influential government official.

Yes, korek! Silahista ang nasabing politician na na-involved rin noon sa sikat na ngayong morenong sexy-drama actor. Lahat daw talaga ng gustuhin ni hunky actor ay ibinibigay ng kanyang latest gay benefactor na ito. Walang sinabi ang kanyang talent fee sa suportang nakukuha niya sa kanyang Mama, pero lahat ng ito ay hindi nakararating sa kanyang dyowang actres dahil kilalang mataray ito at nakahanda nitong sabunutan ang karelasyong bading ng sikat na papang actor once na malaman nito ang nakatagong sikreto sa baul. Kung feeling nyo first time pa lang pumatol si nasabing actor sa bakla, well, newcomer pa lang ito ay naging boy toy na siya ng isang mayamang beautician kung saan every session o churvahan ay hinahatagan si actor ng 15K.

Eh, that time ang laki pa ng value ng ating money. So, huwag na kayong magtaka kung bakit rich na rich si said actor dahil may sugar gay nga ito. Naku! May BBFT Pete A. knowing na knowing mo kung sino ang bidang hunk actor sa blind item natin today.

Wapak, gyud!

***

Eat Bulaga pasok sa Anak TV Awards

MAHIRAP ang pamantayan ng ANAK TV AWARDS sa mga binibigyan nila ng parangal sa iba’t ibang larangan. At ngayon, sa showbiz isa sa pumasa sa pihikang panlasa ng nasabing prestigious award-giving body ng bansa ay ang number one and longest-running noontime variety show na Eat Bulaga. Para sa nakararami ay deserving ang Bulaga sa award na ipagkakaloob sa kanila ng Anak TV. Hindi lang naman kasi ang magpasaya ng dabarkads ang ginagawa ng programang ito kundi araw-araw ay wala silang sawang tumutulong at namimigay ng sangkatutak na papremyo sa kanilang Public Service Segment na Juan For All, All For Juan na kinapalolooban ng tatlong segment ang PNV o Pambato ng Videoke, Sugod-bahay sa Barangay at ang pinagkakaguluhan ng ating mga kababayan na Bayanihan of ‘Da Pipol.

Nariyan rin ang kanilang EB Classroom project, Plastic at very educational portion na Pambansang Laro ng Bayan na Pamilyang Pinoy Henyo. Very wholesome at child friendly ang Eat Bulaga at marahil ito ang mga factor kung bakit napili sila ng Anak TV ng bigyan ng parangal ngayong taong ito. Congrats and bravo gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply