Simbang gabi pinaghahandaan na ng PNP

PLANTSADO na ang ilalatag na seguridad ng Philippine National Police kaugnay sa tradisyunal na simbang gabi na magsisimula sa Disyembre 16-19.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr., pinatitiyak ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome ang seguridad sa lahat ng lansangan at sa palibot ng mga simbahan na inaasahang dadagsain ng libo-libong tao.

Sinabi pa ni Cruz na kanilang pakikilusin pati na ang mga barangay police upang magsilbing mga force multipliers upang matiyak lamang na hindi sila masasalisihan ng mga magnanakaw, masasamang elemento at maging ng mga teroristang grupo na nagbabalak na maghasik ng kaguluhan.

Bukod pa aniya sa kanilang mga police personnel at mga pinalalabas ng administrative personnel, hihingi din sila ng tulong sa mga tinaguriang Barangay Peacekeeping Action Teams.

Maging ang iba’t ibang radio groups ay kanilang aabisuhan para makatulong sa traffic management.

Kasabay nito, inaasahan na rin nila ang pagdagsa ng mga balikbayan at mga turista ngayong papalapit na ang pasko.

Ang tradisyunbal na “simbang gabi” o misa de gallo, ay dinadagsa ng ng mga mananampalatayng Katoliko sa loob ng siyam na gabi o madaling araw bago ang araw ng Pasko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply