Sina Corona, Saddam, Rizal at PNoy

KAHIT Kapaskuhan na, nanatiling mainit at hindi basta maisasantabi ang impitsmen ni Ka Atong Corona sa Senado.

Bakit?

Sapagkat may daldal nang daldal pa rin ukol dito kahit naisampa na ang kaso sa Senado na magsisilbing hukuman sa impitsmen at kahit siniperan na ang bunganga ni Ka Atong ng kanyang mga atorni.

Itong si PNoy ang walang makaaawat sa kanya sa pagdadaldal palibhasa lumalabas na labas siya sa kaso kahit inaamin nitong siya ang nasa likod ng impitsmen.

Kung boksing sana ang labanan, nakawt tiyak si Corona.

oOo

Sa gitna ng ganitong kalagayan, andiyan naman ang patakaran na kailangan na tapusin ng Senado ang pagdinig sa lahat ng walong sumbong laban kay Corona.

Hindi nila tutularan ang pag-uusig kay Saddam Hussein sa Iraq noon.

Sa kaso ni Saddam, sandamakmak ang ikinaso sa kanya.

Pero nang matapos ang isa sa ilang kaso sa crimes against humanity na ikinamatay ng may 148 na Shiite, at napatunayan siyang gilti, itinakda agad ang pagbitay sa kanya.

Hinatulan siyang nagkasala noong Nobyembre 5, 2006 at binitay siya noong Disyembre 30, 2006.

Sa kalendaryo natin, itinaon ang pagbitay kay Saddam sa pagbitay rin kay Jose Rizal ng mga Kastila na sangkot naman sa masasabing crime against humanity sana ngayon.

oOo

Para sa Senado, hindi nito sisentensiyahan si Mang Atong hanggang sa matapos ang walong kasong inihain sa kanya.

Kung inabot ng tatlong taon ang kaso ni Saddam para sa iisang kaso, gaano naman kaya katagal ang aabutin ng kaso ni Mang Atong?

Hindi kaya lalagpas ang pagdinig sa kaso sa panahon ni PNoy?

Dahil dito, lalo sigurong hindi matitigil si PNoy sa kadadaldal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply