Singer na si RJ Rosales pumanaw na

PUMANAW na ang dating ABS-CBN talent/singer na si RJ Rosales, 37 sa Sydney Australia kahapon (Disyembre 4), ayon sa ulat.

Kinukumpirma pa ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Si RJ ay ipinanganak sa pangalang Roseo José Rosales at nagsimula ang singing career nang mapabilang sa cast ng Australian production ng popular musical na “Miss Saigon” noong 1996.

Pagkatapos noon ay lumipat siya sa Singapore taong 1998 kung saan ay nabiyayaan siya ng magagandang musical roles kabilang na ang “Chang and Eng – the Musical,” “The Student Prince,” “Man of Letters,” “Cabaret,” and “Forbidden City.”

Lumabas na rin ang mahusay na singer sa Singaporean show na “Spin” at “Style Doctors.”

Kahit na sikat na sa Singapore si Rj noon ay umuwi siya sa Pilipinas at pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Naging parte siya ng longest Sunday variety show na “ASAP” at nagkaroon ng role sa ilang Kapamilya shows tulad ng “Attagirl” at “Sa Puso Ko Iingatan Ka.”

Noong 2008, ay na-nominate siya bilang Best Supporting Actor para sa karakter na kanyang ginapanan sa Metro Manila Film Fest entry na “Blue Moon.”

Nawala man sa Pinas ang magaling na singer ay naging busy siya sa ilang musicals sa Esplanade Theatre sa Singapore nitong nakalipas na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply