Singil sa kuryente ng Meralco ibababa

NAG-ANUNSYO ngayon ang pamununan ng Manila Electric Company (Meralco) na ibababa nila ang singil sa koryente sa susunod na buwan.

Ang pagbaba ng singil sa generation charge na 27 sentimos ay bunsod nang pagbabawas ng presyo ng kuryenteng nabili mula sa Wholesale Electricity Spot Market  (WESM)  na bumagsak ng P3.49 kada kilowatt hour mula sa dating p12.48 per kwh noong Oktubre.

Matatandaang tumaas ang WESM prices dahil sa generation supply constraint na dala ng maintenance shutdown sa Malampaya Natural Gas Pipeline mula Oktubre 20-26.

Dahil sa pagbabalik sa normal ng operasyon nito noong Nobyembre, ang mga power plants na naka-depende sa Malampaya ay nakagawa na ng mas maraming kuryente.

Samantala, tiniyak ni Energy Regulatory Commission Spokesman Atty. Francis Juan na hindi malalamangan ang mga consumers  kasunod ng anunsyo ng Meralco na pagbaba sa singil sa kuryente sa susunod na buwan.

Ayon kay Atty. Juan, bagama’t ito ay awtomatikong adjustment buwan-buwan ng Meralco, ito ay kanila pa ring pag-aralan at kukumpirmahin kung tama ang ibababa nila sa generation charge. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply