Skyway toll libre sa New Year’s Eve

SINABI ngayon ng Toll Regulatory Board (TRB) na libre sa toll fee ang mga motoristang dadaan sa Skyway sa South Luzon Expressway (SLEX) sa New Year’s Eve.

Batay sa TRB, libre ang toll mula alas-10:00 ng gabi bukas, Disyembre 31 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1.

Kaugnay nito hindi pa nadedesisyunan ng TRB ang pagtaas sa singil sa mga toll expressway sa pagpasok ng taong 2012.

Ipinahayag ni TRB Spokesperson Julius Corpuz, na hindi pa naglalabas ng desisyon ang pamunuan ng TRB hinggil sa petisyon ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTECX), Manila-Cavite Toll Expressway (MCTEX) at Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway para sa resulta ng toll rate adjustment sa unang araw ng Enero.

Ayon kay Corpuz, posibleng maantala ang paglalabas ng desisyon o kaya’y ibabasura o papaboran ang hirit na taas sa singil sa toll.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply