Smart, Globe may proposal sa NTC ukol sa murang text

NAGSUMITE na ang Smart at Globe ng proposal sa National Telecommunication Commission (NTC) kung paano mapapamura ang singil sa text message.

Sa kasalukuyan, hindi naman puwedeng magbigay ng komento ang dalawang higanteng telcos hinggil sa laman ng proposal sa NTC.

Ayon sa Smart at Globe, trabaho na ng NTC na ipakalat at ipaalam sa publiko ang kanilang proposal at depende rin ito kung aaprubahan ng NTC ang kanilang alok.

Matatandaang kamakailan lang ay ipinag-utos ng NTC sa mga telcos na ibaba ang singil ng mga ito sa kanilang text service dahil hindi na ito naaayon sa batas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply