SMB ABL team tumulak na pa-Bangkok

LUMISAN na ang San Miguel Beer-Philippines patungo sa Bangkok, Thailand para sa pre-season tournament ng Asean Basketball League (ABL) bilang ensayo sa regular na season na nakatakdang magsimula sa Enero 2012.

Dagdag na manlalaro sa koponan bilang pambato ni Beermen coach Bobby Parks ang 6 ft 10 na si Junmar Fajardo ng University of Cebu.

Kabilang sa line-up ng Beermen sina Fil-Am Chris Banchero, Jan Colina, Allan Mangahas na mula sa collegiate teams habang manggagaling sa professional rank sina Kelvin Dela Pena, Froilan Baguion, Junjun Cabatu, Benedict Fernandez, Neil Raneses, Marlon Basco, RJ Rizada, Hofer Mondragon at Christian Luanzon.

Ang dalawang imports na sina Dalron Johnson at Richard Jeter na kapwa nakapaglaro sa Red Bull at Sta. Lucia Realtors, ayon sa pagkakasunod, ay magbibigay ng suporta sa  SMB team na inaaasahang magpapakita ng kani-kanilang gilas sa liga sa papasok na taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply