Smuggler ng 20 container ng sibuyas kinasuhan na sa DoJ

MARARANASAN na ng isang negosyante at dalawang broker ang bagsik ng kampanya ng Bureau of Customs matapos magsampa ang ahensya ng kasong ismagling laban sa kanila sa Department of Justice dahil sa pagtatangkang magpuslit ng mga sibuyas na nagkakahalaga ng P3,708,331.13.

Nahaharap sa kasong paglabag sa ilang probisyon ng Tariff and customs Code of the Philippines  tulad ng misdeclaration, undervaluation at importation of agricultural products without permit mula sa  Department of Agriculture sina Moises Bagan Rodriguez, may-ari ng Yanzhen Enterprises , ang consignee ng mga iligal na sibuyas at mga broker na sina Abolkhayr L. Cali at Zahraida M. Abdul.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, idineklara ang mga sibuyas na mga sangkap ng pastries at dough at isiniksik sa 20 forty foot container vans ng matiyempuhan sa Port of Davao noong Setyembre 23 ,2011 ng BOC Customs Intelligence and Investigation Service(CIIS) dahil din sa alerto na inisyu ni BOC Depcom for Intel Danilo Lim sa 20 customs entries ng Yahnzen Enterprises nang dumating sa pantalan sakay ng MV Jan V-1126  kung saan isinailalim sa 100% examination ang 20 container vans.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply