Snatcher binundol ng dyip para mahuli

UPANG hindi makatakas sa ikinasang krimen, sinadyang budulin ng isang tsuper ng dyip ang snatcher na nanghablot sa bag ng isa sa kanyang mga pasahero sa Quezon City kagabi (Lunes, Disyembre 5)

Bukod sa tinamong pinsala sa katawan sanhi ng pagsemplang sa kanyang motorsiklo, binugbog din ang suspek na si Clarence Cuaresma, 33-anyos, ng mga istambay nang malaman na ito ay isang snatcher.

Pinag-aaralan pa ng Quezon City Police District (QCPD) kung sasampahan ng kaukulang kaso ang tsuper ng pampasaherong dyip na nakilalang si Arnel Mamplena.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente dakong alas-9:00 kagabi sa northbound sa may kanto ng West Avenue at Baler Street.

Ayon sa biktimang si Lea Jaurige, 28-anyos, ng Project 6, Quezon City, lulan siya sa isang pampasaherong dyip na minamaneho ni Mamplena.

Dahil nakapula ang traffic light, tumigil sa nasabing kanto si Mamplena kasabay din ng paghinto ng motorsiklo ng suspek.

Pero bago mag-go signal ang naturang traffic light, hinablot ni Vuaresma ang bag ni Jaurige bago pinaharurot ang kanyang motorsiklo at dumiretso sa West Avenue patungong Edsa.

Lingid sa suspek, sinundan pala siya ni Mamplena at nang makatiyempo ay binundol ang motorsiklo ng suspek kaya nahuli ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply