Softdrinks depot nilooban: 2 patay, 1 sugatan

NASAWI ang dalawa habang sugatan ang isa makaraang looban nang may anim na suspek ang isang kumpanya ng soft drinks sa Passi, Iloilo.

Nabatid na nasawi ang security guard ng softdrinks company matapos makipagbarilan sa mga suspek na pumasok sa binabantayan nitong depot.

Patay rin sa pamamaril ang isang empleyado habang sugatan naman ang isa pa nang magtangka silang tumakas.

Kalalagay lamang ng pera sa vault nang biglang pumasok ang mga suspek pagkaalis ng kahera kung saan natangay ang P200,000.

Hawak na ng mga awtoridad ang ilang testigo sa krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply