Solons nagulat sa mabilis na paggulong ng impeachment ni Del Castillo

MASAMA ang loob ng mga kongresistang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III dahil sa napakabilis na paggulong ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo sa Kongreso.

Ayon kay DIWA Party-list Rep. Emmeline Aglipay, hindi sapat na grounds ang plagiarism para sa reklamong betrayal of public trust laban kay Del Castillo at grounds para siya ay ma-impeach.

Katuwiran ni Aglipay na kahit tanggalin pa ang umano’y kinopyang desisyon ni Del Castillo, hindi pa rin magbabago ang desisyon sa kaso ng comfort women na hindi maaaring obligahin ang gobyerno para humingi ng public apology sa Japan kaugnay ng kaso ng umano ay panghahalay.

Nabatid din na 11 kongresista na miyembro ng Justice Committee ang nag-boykot at hindi sumipot sa hearing kahapon (Disyembre 7) matapos umanong makatanggap ng utos mula kay Transportation Secretary Mar Roxas na pinuno ng Liberal Party na ideklarang sufficient in substance ang reklamo laban kay sa associate justice.

Karamihan sa mga nag-boykot ay pawang mga kasamahan ni Del Castillo sa Aquila Legis Fraternity sa Ateneo de Manila na kinabibilangan nina House Majority Leader Neptali Gonzales, Karlo Nograles ng Davao, Gerry Trenas ng Iloilo, Florencio “Bem” Noel ng An Waray, Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo, Sherwin Tugna  ng CIBAC Party-list, Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, Victor Ortega ng La Union at Leyte Rep. Sergio Apostol.

Maging si AKO Bikod Rep. Rodel Batocabe na miyembro ng Justice Committee ay umamin na bago magbotohan ay tinawagan na siyang dumalo sa pagdinig subalit minarapat niyang hindi pumunta dahil pinangungunahan niya ang pagdinig ng Technical Working group ng Absentee Voting.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply