Special election sa Zambales itinakda ng Comelec

ITINAKDA na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng special election sa ikalawang distrito ng Zambales para mapalitan sa puwesto si Rep. Antonio Diaz, na pumanaw nitong Agosto dahil sa karamdaman.

Batay sa Comelec Resolution No. 9304 na na-promulgate nitong Disyembre 1, 2011, ay idaraos ang halalan sa Pebrero 4, 2012.

Itinakda ang election period sa distrito mula Disyembre 21, 2011 hanggang sa Pebrero 14, 2012.

Ayon sa Comelec, ang mga interesadong tumakbo sa naturang posisyon ay maaaring maghain ng kanilang kandidatura o certificate of candidacy (COC) mula Enero 16 hanggang 18, 2012.

Ang campaign period naman ay itinakda sa Enero 19, 2012 hanggang hatinggabi ng Pebrero 2, 2012.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply