Special permit kahit Pasko aprub sa LTFRB

APRUB sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-iisyu ng special permits para sa mga pampasaherong bus na bibiyahe sa malalayong probinsya sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay LTFRB chairman Jaime Jacob, inaasahan nila ang pagdagsa ng mga residente ng Metro Manila sa bus terminals para makauwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong holiday season.

Saklaw ng Special permits ang payagan ang bus operators na makabiyahe sa labas ng kanilang regular na prangkisa o ruta sa mga probinsiya.

Pero ayon kay Jacob, nais ng LTFRB na tiyakin sa kanila ng bus operators na kukuha ang mga ito ng special permits para sa kaligtasan at komportableng  biyahe ng kanlang mga pasahero.

Dagdag pa ni Jacob magpapadala na ng kanilang team sa bus terminals para mag-inspeksiyon .

Nauna rito , sinabi ni Jacob na mayroon nang 100 operators ang nag-aplay sa kanila ng  special permits, na magiging epektibo mula December 18 hanggang January 6 sa susunod na taon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply