Staff ng solon nagpayaman sa tulong ni boss

MUKHANG tuloy-tuloy ang pag-asenso sa buhay ng isang staff ng mambabatas na ito.

Take note: Napag-alaman ni matang kuwago ng Remate na matapos na yumaman at magkapera gamit ang pera ng kanyang boss ay nakasungkit ito ng magandang puwesto sa isang departamento sa Senado.

Ang lupit naman at tila nagsisiguro ang staff na ito bago tuluyang magwakas ang termino ng kanyang boss.

Bilib talaga ang marami sa kanyang co-staff sa kanyang pagiging sigurista.

Alam ninyo ba na kahit matapos ang termino ng kanyang boss ay tiyak na hindi siya mawawalan ng trabaho, hindi katulad ng iba niyang kasamahang staff dahil ang nasungkit lang naman niya ay director 2 post sa isang Senate department.

Bukod sa kanyang paglipat sa ibang departamento ay siga at may sinabi pa rin ito sa kanilang tanggapan.

Hindi maaaring gamitin ng ibang staff ang pag-aari ng senador kung hindi sa magpapaalam sa kanya.

Heto ang kuwentuhan: Bilisan mo siyang puntahan dahil baka wala na siya agad sa kanyang table dahil mabilis itong umaalis.

Paano naman kasi gusto laging maaga kung umuwi at kinakailangang siya ang priority ng service vehicle ng kanilang opisina kahit magpahatid pa pauwi sa kanilang bahay na tinalo pa ang chief of staff at abogado ng senador.

Gusto na ba ninyong pintahan ang yumaman at siguristang staff ng mambabatas na ito.

Madali lang hulaan dahil sa isang masalimuot at kontrobersyal ang sinapit ng isa sa kanyang mga mahal sa buhay.

Payo ko sa inyo mag-aral na lang kayo sa Cora dela …. kung may pera kayo para matuto rin kayo ng estilo at sistema nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply