Standard size ng mga billboard kasado na

IPATUTUPAD na sa unang quarter ng taong 2012, ang isang standard na sukat at distansya para sa mga billboard sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, ang pangunahing layunin ng bagong billboard regulation ay upang maiwasan ang sakuna, mailagay sa kaligtasan ng publiko at upang hindi na kalat-kalat tingnan.

Sisikapin din ng ahensya na maging billboard-free ang Metro Manila gaya ng Sao Paulo, Brazil at Honolulu, Hawaii.

Kasabay nito, nagbabala si Tolentino sa mga billboard owner na hindi tatalima sa naturang regulasyon dahil hindi sila magdadalawang-isip na gibain ang mga ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply