Stapleton namayani sa 11th leg ng Enersel Motocross series

NAKOPO ni American rider Dennis Stapleton ang kanyang pinakamatinding hamon mula kay hometown bet Glenn Aguilar para dominahin ang Pro Open division sa penultimate leg ng 2011 Enersel Forte National Motocross Series and Word Motocross Series na rumatsada nitong weekend sa Sta. Barbara, Iloilo.

Laglag ng tatlong puntos sa likuran ng nauunang si Aguilar, 22-25, makaraan ang opening heat, ang 29-anyos ng Los Baños, California ay humarurot upang makopo ang ikalawa at final heat para pamayaniham ang kaganapan at ilagay ang Filipino ace sa segunda puwesto bagama’t kapwa nagtapos ang dalawa ng tig- 47 points.

Si Bornok Mangosong ang humugot ng ikatlong puwesto sa kanyang naitalang 38 points sa event na isponsor ng Enersel-Forte vitamin syrup, Therasil lozenges, Bridgestone tires at Team Pacquiao.

Nanguna si Jose Acaban III sa Novice Local Enduro division sa kanyang 45 points, at unahan si second placer Edgar Dajay (43) habang si DJ Barretto ay tersera (38) sa mahangin at madausdos na sirkito ng Sta. Barbara na matatagpuan ilang kilometro lamang mula sa Iloilo airport.

Naging dikitan din ang harurutan sa Executive class kung saan si Cher Acosa ay naipanalo ang kanyang duwelo kay Manny Pacquiao trainer-confidant Buboy Fernandez, na tinangkang makaalpas sa paghugot ng  ikalawang heat ngunit kinapos ng 5 puntos sa likod ng kampeon, 39-44.

Ang iba pang nanalo sa dalawang araw na serye ay sina Atong Mangosong (Intermediate, Novice Open Prod.), BJ Pepito (50 cc, 65 cc), Dexter Bacabac (Executive A), Edgar Dajay (Local Open Enduro), Jose Acaban III (Underbone Open), John Fernandez (Executive B), Pia Gabriel (Ladies), McLean Aguilar (85 cc) at JR Barba (Beginner Open Prod).

Ang final leg ng serye ay gaganapin ngayong weekend sa Lanao del Norte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply