Starfish outbreak idineklara ng DENR sa Negros Oriental

NAGDEKLARA ng starfish outbreak ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa biglang pagdami ng nasabing sea creature sa Barangay Siit, Siaton, Negros Oriental.

Ayon sa mga marine biologist, kapag hindi naagapan ang pagdami ng starfish ay maaaring tuluyang masisira ang ekta-ektaryang coral reef.

Nabatid na ang mga starfish na tinagurian ring “crown of thorns” ang siyang kumakain sa mga coral reef.

Isang mangingisda ang nakahuli ng mahigit 14,000 piraso ng starfish at ipinakita niya ang mga nasisirang corals na kinakain ng naturang starfish.

Inaalam na ng DENR ang lawak ng pinsalang idinulot ng mga starfish sa mga coral reef.

Nangangamba rin ang mga may-ari ng diving resorts dahil ang coral reef ay isang tourist attraction.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply