Stock market malakas sa 2011

MALAKAS na nagsara ngayong taong 2011 ang local stock market ng Pilipinas.

Ito na ang ikatlong sunod na taon na umangat ang merkado ng bansa.

Bagamat naging mabagal ang merkado maituturing pa rin itong magandang performance sa gitna ng problema sa ekonomiya ng maraming mga bansa sa boung mundo.

Ang tinatawag na main-share index ay umangat ng 4,371.96 points o gumana ng 4 percent kumpara noong nakaraang taon.

Sa last day ng trading ngayong araw ang Philippine Stock Exchange (PSE) index ay mataas din sa 35.33 points o kaya 0.81 percent.

Ang pag-angat ngayong taon ay maituturing pa ring maliit kumpara sa nakalipas na dalawang taon pero ‘di hamak na mas angat pa rin ang merkado ng Pilipinas kung ihahambing sa mga merkado ng ibang bansa sa rehiyon ng Asya.

Sa mga company listed sa stock market umaabot sa 95 ang bumenta habang nasa 43 stock prices ang hindi nagbago.

Tinawag ito ng ilang stock analysts na “window dressing” kung saan hindi lamang ang malalaking kompaniya ang nakinabang kundi maging ang maliliit man.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply