Sulong Pinoy pinapaboran sa Grand Derby

ILALARGA bukas ng hapon (Disyembre 18) ang 2011 Grand Derby race kung saan ay pitong matitikas na kabayo ang kalahok upang sungkitin ang P600,000 na premyo para sa unang tatawid ng meta.

Inaasahang papatok sa takilya ang Sulong Pinoy dahil sa ipinakitang performance nito sa naganap na 2011 Presidential Gold Cup championship race kung saan ay sumegundo ito sa nanalong si Magna Carta.

Muling gagabayan ni class A rider John Paul Guce si Sulong Pinoy sa event na may distansyang 2,000 meters na tatakbuhin sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Makakalaban ni Sulong Pinoy ang matindi sa arangkadahan na si Arvindugo na rerendahan ni star jockey Jeffrill Tagulao Zarate.

Ang ibang kalahok ay sina Charming Santi, Barkley, Chief Joesan, The Rock at ang sasakyan ni reigning back-to-back Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year Jessie Basilio Guce na si Immaculate.

May nakalaan din na P225,000 para sa pangalawang tatawid sa meta habang P125,000 at P50,000 ang maiuuwi ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap din ng P30,000 ang breeder ng winning horse.

Samantala, limang batang kabayo ang maglalaban sa PCSO Special Maiden Race na may distansyang 1,200 meters.

Si Time To Shine Dad na dadalhin ni former PSA J-O-Y awardee at class A rider Jonathan Basco Hernandez ang napipisil na pang-primera ng mga tipsters sa programa ng karera.

Ang ibang kasali ay sina Kinetic,Seni Seviyorum, Secret Ridge at Posse Left. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply