Sundalo ‘nanutok’ ng baril, kalaboso

KALABOSO ang isang sundalo makaraan umanong manutok ng baril sa isang lalaki at mag-ina nito sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Nabatid mismo sa biktimang si Ranjay Magdalena, pauwi na sila ng kanyang pamilya nang harangin sila ni Sergeant Roberto Naval at hanapan ng nawawalang cellphone.

Nang wala umano silang maibigay, doon na tinutukan ni Naval ng baril ang mag-ina pero pumalag si Ranjay kaya tinigilan ng suspek.

Nakahingi naman ng responde sa barangay ang ilang nakakita sa insidente ng panunutok kaya nasakote ang suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply