‘Sunog’ ka sa Samsung! The law applies to all

BUONG tapang na ipinagmamalaki ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga katagang “The law applies to all otherwise none at all.”

Pagpapatunay na walang mayaman, walang mahirap, walang malaki at lalong walang maliit pagdating sa usaping pagpapatupad ng batas.

Pero ano itong nangyayari sa loob ng Intramuros na para bang sinasabing hindi na sila sakop ng Maynila?

ABUSADONG SIDECAR BOYS

Minsang sinampolan ni Mayor Lim ang  mga abusadong sidecar boys ng Maynila kung saan nagpang-abot pa ang mga pulis at padyak boys.

Hayun! Tumino naman ng kaunti, pero sa loob ng Intramuros naman humataw ang pagiging abusado ng mga padyak na talaga nga namang nagiging dahilan ng pagbuhol ng trapik sa nasasakupan ng Intramuros partikular sa kalye ng Muralla.

ILIGAL TERMINAL SA MAPUA

Kapal mukha na nakabalagbag ang iligal na terminal ng sidecar sa kahabaan ng Muralla St., Intramuros.

Ito ay makikita mismo sa tapat ng gate ng Mapua Institute of Technology.

Bukod sa double park na ginagawa ng sidecar boys ay double park din ang ginagawa ng mga nanunundo ng estudyante.

Kaya ang resulta… buhol-buhol na trapik.

BARANGAY TAGAY

Base sa sumbong ng ating uzi, ang mga ulol na barangay tagay ang nagbibigay proteksiyon sa mga gagong padyak boys na ito na talaga nga namang abusado pagdating sa kalye.

NASAAN ANG PULIS

Nang idulog naman ng ULTIMATUM sa kapulisan ang pang-aabuso ng mga padyak ay sinagot naman tayo nang mga katagang “kawawa naman sila, naghahanap-buhay lang.”

THE LAW APPLIES TO ALL

Malinaw naman ang sabi ni mayor na ang batas ay para sa lahat, mayaman ka man o mahirap basta’t lumabag ka sa batas puwede kang arestuhin o kasuhan.

Pansinin n’yo ang kahabaan ng Muralla St. Malinaw ang trapiko na nagsasabing one way ito palabas ng Bureau of Immigrations, pero ang padyak boys walang pakialam, walang one way, one way.

Sila ang siga ng kalye.

MAHAL MO BA ANG BAHAY MO?

Mabuti nang manakawan kaysa masunugan. ‘Yan ang mga katagang hinding-hindi ko malilimutan kung kaya’t   ingat na ingat tayo pagdating sa ating bahay.

Pero kahit na anong pag-iingat ay siguradong masisingitan ka ng kamalasan.

Buti na lang at lamang pa rin tayo sa suwerte kaya hindi naman natuloy ang sunog.

SAMSUNG SUMABOG

Sumabog at nagliyab ang refrigerator natin na Samsung na nagkakahalaga ng tumataginting na P111,000, muntik na itong maging sanhi ng sunog sa ating bahay sa Kyusi.

FIVE YEARS LANG ANG SAMSUNG

Mabilis naman ang responde ng serbisyo ng Samsung para tingnan kung ano ang nangyari.

Hayun, lumipas ang ilang araw ay isang Jen Reyes ang tumawag sa telepono at sinabing “naku po, 2006 n’yo pa po pala nabili itong ref n’yo kaya hindi na ho s’ya under ng warranty.”

Sa madaling salita ay puwede na palang masunog ang bahay mo kapag umabot na ng limang taon ang iyong samsung appliances at wala na silang sagutin dito. GANOON BA?

PERSONALAN NA

Ang ULTIMATUM na mismo ang nakipag-usap dito kay Jen Reyes at laking gulat na lang nito nang sabihin nating itipa mo sa google ang pangalang Benny Antiporda bago tayo mag-usap.

Hindi nagtagal ay tumawag ito sa ating sekretarya at sinabing pumili na lang po kayo ng ipapalit nating refrigerator.

Aba’y gago! Ang ibig sabihin ba nito ay kapag walang sinabi o ordinaryong mamamayan lang ang nagkaproblema sa Samsung ay palulusutan na lang nila ito?

SAKALING MASUNOG ANG BAHAY MO

Paano kaya sasagutin ng Samsung ang reklamo natin sakaling tuluyang nasunog ang ating bahay?

Hindi ba’t mas lalong magpapalusot ang mga ito dahil siyempre nga naman abo at uling na ang nakapaligid sa kanilang bulok na appliances.

Sa madaling salita “quits” kayo ng Samsung dahil hindi na raw under ng warranty.

IDULOG SA ULTIMATUM

Nananawagan ang ULTIMATUM sa lahat ng naging biktima ng Samsung na magtungo lang po sa Ground flr. ng National Press Club bldg. sa Magallanes Drive, Intramuros Manila para matulungan namin kayo at para maiparating sa kinauukulan ang kawalanghiyaan ng kompanyang Samsung na umaabuso sa ating mamamayan.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

HUWAG MAGING PONCIO PILATO

Ito pong dalawa nating Senador na sina Sotto at Enrile ay huwag naman po sanang magpaka-Poncio Pilato. Sinasabi nila na pag may masamang mangyari sa Ate Gloria Arroyo nila, eh, si PNoy ang mananagot. Huwag sana nilang   pangungunahan ang sambayanang Filipino. Sa kanilang dalawa, gumawa na lang sila ng paraan kung papaano mapananagot  si Gloria. ‘Wag nilang sisihin si PNoy. +63926799….

BAHO SA LTFRB HALUNGKATIN

Sir Benny. Matigas talaga ang sungay ni Horn. Matapang siya! PNoy pahalungkat niyo ang mga na-gawa ni sungay para tumahimik.

Alam ko may baho ring nagawa siya sa Land Transportation franchising and Regulatory Board. Ipakulong ninyo, PNoy. +63919964….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply