Sunog sa Baguio: 1 patay, 1 grabe

NASAWI ang isa habang isa pa ang malubha makaraang masunog ang tatlong bahay sa Barangay Lower Ferguson sa Baguio City, kaninang madaling-araw, Disyembre 20.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa banyo ng pamilya Dayao at sa bilis ng pagkalat ng apoy, hindi na naisalba pa anak ang na si Yolanda Mendoza.

Habang nagtamo naman ng second degree burns ang isa pang miyembro ng pamilya.

Inaalam pa sa kasalukuyan ang halaga ng pinsala ng naturang sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply