Sunog sa mall sa Cebu 30 oras na

UMABOT na sa 30 oras ang sunog sa Gaisano South Capital mall, sa Leon Kilat, Brgy. Kalubihan, Cebu City.

Nabatid na magdamag na nakabantay ang mga bombero at mga pulis sa nasabing lugar para tiyakin na hindi na kumalat ang apoy at walang masaktang residente sa nasabing sunog.

Isinara na rin ng mga otoridad ang mga lansangan at eskinita sa paligid ng nasabing mall dahilan ng pagsikip ng trapiko.

Una nang nagsara ang mga katabing korean at Chinese establishment sa nasabing mall dahil sa takot na baka kumalat ang apoy sa kanilang mga establisimyento.

Patuloy rin na nakaantabay ang pamunuan ng University of Cebu na katabi lang ng nasusunog na mall.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inaapula ang sunog sa nasabing mall sa tulong na rin ng ERUF at iba’t ibang fire volunteers.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply