Sunog sa supermarket sa Camarines Norte umabot na sa general alarm

PATULOY pa ring inaapula sa kasalukuyan ng mga bumbero ang paglagablab ng apoy sa isang malaking supermarket sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nabatid na itinaas na sa general alarm ang sunog sa Gemma Glenn Superstore sa Vinzon’s Avenue, bayan ng Daet kung saan maging ang ilang Bureau of Fire Protection (BFP) offices sa katabing mga bayan ay inalerto na rin.

Bandang alas-6:40 kaninang umaga nang magsimula ang sunog sa loob ng naturang establisyemento.

Ayon kay Fire Officer 1 Edna Palomar, kaagapay na sa pag-apula ng sunog ay ang mga firetrucks mula sa BFP Basud, Labo at Paracale.

Napuno ng makapal na usok ang lugar na mula sa mga nasusunog na paninda sa loob ng naturang supermarket.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply