Super Ferry 1 sumadsad

SUMADSAD ang Super Ferry 1 bandang alas-11:00 kagabi (Disyembre 4) sa Coron Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kinumpirmang lulan ng barko ang 618 na mga pasahero nang maganap ang insidente.

Sa ngayon, umabot na sa 60 pasahero ang nailipat pabalik sa isla ng Coron.

Nabatid na umalis ang barko sa Puerto Princesa dakong ala-1:00 ng hapon kahapon at patungo sana sa Maynila.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng PCG kung ano ang dahilan kung bakit sumadsad ang naturang barko. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply